Showing posts with label 100 Days to Heaven. Show all posts
Showing posts with label 100 Days to Heaven. Show all posts

Wednesday, August 24, 2011

100 Days to Heaven Continues to Give Inspiration and Hope to Filipinos

Ang “100 Days to Heaven” ay pinag-uusapan hindi lamang sa mga opisina, eskwelahan, kundi maging sa simbahan ay nagiging paksa ito ng sermon kung saan tinalakay ng pari ang kwento ng buhay ng bidang si Anna Manalastas.



Sa kolum ng tanyag na kritiko at manunulat na si Nestor Torre, inulat niya na sa isang sermon, sinabi ng pari na kapupulutan ng aral at inspirasyon ng mga tao ang buhay ni Anna, na pilit na itinatama at binabago ang lahat ng pagkakamali na kanyang nagawa nung siya ay nabubuhay pa, matapos mabigyan ng pangalawang pagkakataon ng tagabantay ng langit.



Bukod sa tinatamasa nitong papuri, hindi rin natitinag ang "100 Days to Heaven" bilang number one show sa bansa. Ayon sa Kantar Media, pumalo ito ng 31.4% kumpara sa katapat nitong programa sa GMA-7 na Amaya na nakakuha lamang ng 21.9 %noong Biyernes, August 19.



Sundan ang mga susunod na tagpo sa “100 Days to Heaven” pagkatapos ng “TV Patrol” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, www.100daystoheaven.tv, www.facebook.com/100daystoheaven, at sundan ang abscbndotcom sa Twitter.



Source: www.abs-cbn.com

Tuesday, August 9, 2011

100 Days to Heaven Named This Season's Most Inspiring TV Series

Not only has “100 Days to Heaven” earned the nods of TV viewers and critics, it has also been made the teaching topic of a church sermon.



According to respected critic and columnist Nestor Torre, he heard a sermon himself wherein the priest urged churchgoers to learn from the story of the mean, icy, and cunning owner of a toy empire, Anna Manalastas.



In his sermon, the priest said people can draw inspiration from Anna, who after being killed in a car explosion, was given a second chance at earning a ticket to heaven by doing good to those she have wronged. He said Anna’s story shows the importance of “making amends, asking for forgiveness, attaining closure and deserving a second chance.”



In his review of “100 Days to Heaven,” Torre called it “as this season’s most inspiring TV series.”

Sunday, August 7, 2011

Albie Casiño and Christopher De Leon on 100 Days to Heaven

Sina Albie Casiño at Christopher De Leon ang susunod na bibisita sa nangungunang prime time series ng ABS-CBN na 100 days to Heaven! Pagkatapos ng role ni Christopher De Leon sa Captain Barbel ay magiging parte naman ito ng katapat nitong kapamilya show na pinagbibidahan ng child super star na si Xyriel Manabat. Kasama sa guesting ni Boyet ang kontrobersyal na Star Magic star na si Albie Casino na kamakailan lang ay nasangkot sa mainit na isyu ukol sa bagka buntis ni Andi Eigenman. Abangan ang magiging papel nina ng mga bagong karakter na ito sa buhay ni Ana Manalastas sa 100 days to Heaven

Friday, August 5, 2011

100 Days to Heaven and Minsan Lang Kita Iibigin Has More Primetime Viewers

Patuloy pa ring umaariba sa national TV rating ang Kapamilya teleseryes na "100 Days to Heaven" at "Minsan Lang Kita Iibigin" sa kabila ng mga pagbabagong ginawa ng GMA kamakailan sa primetime line-up nito.

Pinakatinututukan pa rin ang kuwento ni Anna Manalastas sa "100 Days to Heaven" na pumalo sa average TV rating na 32.3% noong Lunes (Aug. 1) kung kailan nagsimula ang bagong lipat nitong kalabang "Amaya" na nag-rate lang ng 18.5%.

Maging ang huling katapat nito na "Captain Barbell" ay hindi rin nakapalag sa huling lipad nito noong Biyernes (July 29) at nagtapos sa rating na 20.7% kumpara sa "100 Days to Heaven" na may 30.9%.

Minahal na nga talaga ng sambayanan ang kuwento ni Anna, na ginagampanan ni Coney Reyes at Xyriel Manabat, lalo pa't mas napapalapit na siya sa pagkumpleto sa kanyang misyon. Sa muling pagbabalik ni Anna sa lupa, taas-noo nang makakaharap si Sophia (Jodi Sta. Maria) sa kanyang mga kaopisina upang muling bawiin ang kumpanya. At may bago na namang pusong hahaplusin at buhay na babaguhin si Anna.

Tiyak pakaabangan din ng lahat ang nalalapit na pagpasok ng beteranong aktor na si Christopher De Leon at ang kontrobersyal na young actor na si Albie Casino.

Samantala, mas panalo rin sa mga manonood ang aksyon at romansang dala ng "Minsan Lang Kita Iibigin" na magpapaalam na sa loob ng dalawang linggo. Mas pinili nga ng sambayanan ang makipagbakbakan kasama si Alexander at Javier noong Lunes (Aug 1) sa average TV rating na 24.3% kaysa makipagsayawan sa mga bida ng "Time of My Life" ng GMA na nag-rate ng 17.8%.

Wala na talagang bumibitiw sa makapigil hiningang huling dalawang linggo ng MLKI lalo pa't matapos mamaalam si Jojo (Andi Eigenmann) ay mukhang maililibing ng buhay si Alexander.

Manatiling nakatutok sa "100 Days to Heaven," weeknights pagkatapos ng "TV Patrol" at "Minsan Lang Kita Iibigin," weeknights pagkatapos ng "Guns and Roses" sa hindi matinag na ABS-CBN Primetime Bida.

Source: www.push.com.ph