Friday, September 2, 2011

Erich Gonzales Hospitalized Due to Low Sugar Level

Bago pa lumaki ang balita at pagpistahan ng marami sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang espekulasyon, naglabas na agad ng pormal na pahayag ang ABS-CBN tungkol sa pagkakadala ng biglaan kay Erich Gonzales sa ospital mula sa set ng kanyang seryeng Maria la del Barrio.



Napag-alaman mula sa doktor na tumingin sa kanya na lubhang bumaba ang kanyang sugar level (40) kung kaya nanghina ito at halos hindi na naipagpatuloy ang kanyang trabaho. Madali namang nahimasmasan ang aktres, agad naibalik sa normal ang kanyang sugar level pero pinagpayuhang magpahinga muna bago niya balikan ang kanyang trabaho.



Naintindihan naman ng mga kasamahan niya at maging ng direktor ang kalagayan ng young actress kaya itineyp muna ay ’yung mga eksena kung saan ay hindi siya kasama.



No comments:

Post a Comment