Sinabi ni Toni Gonzaga na sa paggawa ng pelikulang Wedding Tayo, Wedding Hindi na magbubukas sa mga sinehan sa August 31, ang pinakamahalagang bagay na kanyang natutunan ay ang pagkakaroon ng bendisyon ng pamilya bago ikasal. “Hindi talaga magwo-work ‘yung you and me against the world,” paliwanag ni Toni. “Kailangan ma-win mo ‘yung pamilya ng bawat isa para mag-work ang relationship. Kasi lagi nilang sinasabi, ‘Ah kahit ‘di agree ang pamilya basta nagmamahalan kayo…’ kasi at the end of the day kung sino ang pamilya ng lalaki na mahal mo, pamilya mo rin sila.” Hindi naman ito problema ni Toni sa boyfriend niyang si Direk Paul Soriano dahil boto ang pamilya ng direktor kay Toni.
Tinatalakay rin sa pelikula na pinagbibidahan din nina Eugene Domingo at Zanjoe Marudo ang paghihiwalay; annulment or divorce. Pero para kay Toni, hindi raw siya pabor sa annulment. “Anti talaga ako kasi babae ako, eh. Mas malaki ang nawawala sa babae so bilang babae what God has put together, let no man separate, not even the papers.”
Ibinahagi rin ni Toni ang pananaw niya para maging matagumpay ang isang relasyon. “I think every relationship is a work in progress. Once na nag-give up ang isang tao o isa sa inyo, hindi na magwo-work pero kung ‘yung dalawang tao may effort kaya natin ito.”
Hindi rin ito ang unang beses na makakatrabaho niya sina Eugene at si Zanjoe. Una niyang nakatrabaho si Eugene noong 2006 para sa pelikulang You Are The One. Papuri pa ni Toni kay Uge, “Si Ate Uge from the first time that I’ve worked with her, scene-stealer siya at applauded ‘yung mga eksena niya non. So pagdating talaga sa comedy si Ate Uge talaga ang maasahan at andami ko talagang natutunan sa kanya bilang artista.”
Si Zanjoe naman ay naging leading man niya sa You Got Me (2007). “Si Zanjoe nung una ko siyang makatrabaho mahiyain pa siya, tahimik. Antagal niyang mag-open up. It takes awhile bago kami maging lapat na lapat sa isat isa, although di siya mahirap pakisamahan dahil totoong tao.”
Source: www.push.com.ph
|
---|
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment