Nag-venture na rin sa singing ang young actor a si JM De Guzman at kamakailan ay naglunsad ng kanyang self-titled album under Ivory Records. Gayunpaman, nilinaw ni JM na ang pag-arte pa rin ang kanyang prayoridad. “’Yun talaga ang pinag-focus ko,” aniya at idinagdag na pumayag siyang gumawa ng album upang i-challenge ang sarili. “At the same time nagagawa ko ‘yung dalawang bagay na gusto ko (acting at singing).”
Pagdating daw sa acting, sina Joel Torre at Pen Medina ang kanyang magagaling na aktor. “Ako rin po character actor ako,” aniya. Sinabi nga niya may pinaplano siyang gawing indie movie ngayong tapos na ang Mula Sa Puso.
Hindi rin daw siya magdadalawang-isip na magpa-sexy kung kinakailangan sa gagawing proyekto. “Hindi po ako masyadong [maselan] kung pipili ng movie ang unang tinitingnan ko ‘yung story. Kung relevant ba ‘yung pagpapa-sexy sa story kung maganda pa po ‘yung story.
“Kasi wala naman pong masamang gawin ‘yon,” paglilinaw pa niya. Subalit ayaw daw niya na nagiging impresyon na kapag gagawa ng indie movie ay kailangang maghubad. “Tumatatak sa ulo ng mga tao ‘pag indie actor dapat maghubad ka. Dapat gumawa ka daring, kailangan gumawa ka ng sexy film. Para sa akin andami nang ganon, andami nang nago-ofer ng ganon pero mas importante ‘yung story. Kung ‘yung story n’ya eh talagang [maganda] pag-iisipan ko. Ano lang po ako alipin ng sining.”
Meantime, sa kanyang self-titled album, kasama rito ang ilan sa mga compositions ni JM dahil mahilig ding mag-compose ang aktor. “Nagstart ako nung second year high school, dun ko na-discover na marunong pala akong magsulat. Gumawa kami ng banda, sumasali sa battle of the bands, nanalo-nalo kami,” kuwento ng aktor. “’Pag ‘di ako makaarte ‘yun ang outlet ko. ‘Pag nasa bahay ako, nagsusulat ako nang nagsusulat tapos [at] nilalagyan ko ng melody. May notebook ako na punum-puno ng sulat ko.”
|
---|
Friday, August 12, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment