Saturday, August 20, 2011

Jake Cuenca on His Most Daring in My Neighbor's Wife

Ang latest movie ni Jake Cuenca ay ang My Neighbor’s Wife produced by Regal Entertainment.



Kasama niya rito sina Dennis Trillo, Carla Abellana at Lovi Poe. Directed by Jun Lana, ang My Neighbor’s Wife ay ipalalabas na sa mga sinehan simula sa September 14.



“Para sa akin dapat talagang mapanood itong pelikula na ito, kasi itong combination na ito, itong tambalang ito, minsan lang iyan e. Noong inalok sa akin ito, sabi ko, bihira lang makarating sa akin yung ganitong oportunidad na maidirek ni Jun Lana, na taga-Channel 7.



“Tapos makatrabaho ko ang pinakamaiinit na mga artista ng GMA-7. Kaya sana, panoorin at suportahan ito ng mga tao.”



Ayon kay Jake, ang pelikulang ito ang pinaka-daring at pinaka-sexy na nagawa niya.



“Oo, very daring yung movie. To tell you honestly, yung mga love scene na nagawa na namin, ito talaga yung pinaka-daring na nagawa ko.



“Na-challenge kami kay Direk na gawing natural at totoo, na maging professional sa set pagdating sa mga love scene namin.



“Alam mo, sa totoo lang, walang ilangan, talagang priority namin ni Dennis na alagaan yung leading ladies namin, na protektahan sila. At yung leading ladies namin, ang sarap katrabaho dahil madali naming natatapos ang mga eksena.”



Totoo bang may butt exposure daw siya sa movie?



“Iyan ang abangan n’yo!” natatawang sabi ni Jake.

No comments:

Post a Comment