Wednesday, August 24, 2011

Biggest Loser Contestants Saved from Elimination

Matapos itanghal na Biggest Loser of the Week ang bar owner na si Art Mendoza, siya na kaya ang unang Bigating Pinoy na makakapagbawas ng 100 pounds sa “The Biggest Loser Pinoy Edition”?



Siyam na pounds na lang ang kailangang ibawas ni Art upang maabot ito. Ngunit, mahigpit na katunggali rin niya rito ang 31-year old na si Ryan, na nakapagbawas na ng kabuuang 92 pounds sa loob ng camp.



Mula 341 pounds, 250 pounds na lang ang timbang ni Art ngayon, matapos magbawas ng kabilib-bilib na ten pounds ngayong linggo. Nakapagbawas na ng kabuuang 91 pounds simula ng pumasok siya sa camp.



Samantala, walang pinauwi ngayong linggo matapos magbawas ang nalalabing pitong contestants ng kabuuang 36 pounds, lagpas sa minimum required group weight loss na 30 pounds.

“Ito na ang pinakamasayang naging kaarawan ko,” pahayag ng nagagalak na si Winwin.



Ngayong linggo naman, haharapin ng natirang Bigating Pinoys ang isang cook-off, Energizer challenge, at isa pang temptation.



Ang kakain ng pinakamaraming macaroons at kwek-kwek ang makakakuha ng immunity sa susunod na elimination. Maaakit kaya sila ng mga ito?



Samantala, ang second placer ay magkakaroon ng kapangyarihang makapili ng pairings ngayong linggo. Tiyak na sisikapan ng contestants ang pagpapapayat dahil timbang na ng bawat duo ang susukatin sa susunod na weigh-in.



Sino kaya ang susunod na contestant na matatanggal? Abangan ang “The Biggest Loser Pinoy Edition” pagkatapos ng “Guns and Roses” sa ABS-CBN. Para ma-update sa programa, mag-log on sa http://biggestloserpinoyedition.abs-cbn.com, i-like ito sa Facebook at i-follow ang @BLPinoyEdition sa Twitter.

No comments:

Post a Comment