Wednesday, August 24, 2011

100 Days to Heaven Continues to Give Inspiration and Hope to Filipinos

Ang “100 Days to Heaven” ay pinag-uusapan hindi lamang sa mga opisina, eskwelahan, kundi maging sa simbahan ay nagiging paksa ito ng sermon kung saan tinalakay ng pari ang kwento ng buhay ng bidang si Anna Manalastas.



Sa kolum ng tanyag na kritiko at manunulat na si Nestor Torre, inulat niya na sa isang sermon, sinabi ng pari na kapupulutan ng aral at inspirasyon ng mga tao ang buhay ni Anna, na pilit na itinatama at binabago ang lahat ng pagkakamali na kanyang nagawa nung siya ay nabubuhay pa, matapos mabigyan ng pangalawang pagkakataon ng tagabantay ng langit.



Bukod sa tinatamasa nitong papuri, hindi rin natitinag ang "100 Days to Heaven" bilang number one show sa bansa. Ayon sa Kantar Media, pumalo ito ng 31.4% kumpara sa katapat nitong programa sa GMA-7 na Amaya na nakakuha lamang ng 21.9 %noong Biyernes, August 19.



Sundan ang mga susunod na tagpo sa “100 Days to Heaven” pagkatapos ng “TV Patrol” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, www.100daystoheaven.tv, www.facebook.com/100daystoheaven, at sundan ang abscbndotcom sa Twitter.



Source: www.abs-cbn.com

No comments:

Post a Comment