Patuloy pa ring umaariba sa national TV rating ang Kapamilya teleseryes na "100 Days to Heaven" at "Minsan Lang Kita Iibigin" sa kabila ng mga pagbabagong ginawa ng GMA kamakailan sa primetime line-up nito.
Pinakatinututukan pa rin ang kuwento ni Anna Manalastas sa "100 Days to Heaven" na pumalo sa average TV rating na 32.3% noong Lunes (Aug. 1) kung kailan nagsimula ang bagong lipat nitong kalabang "Amaya" na nag-rate lang ng 18.5%.
Maging ang huling katapat nito na "Captain Barbell" ay hindi rin nakapalag sa huling lipad nito noong Biyernes (July 29) at nagtapos sa rating na 20.7% kumpara sa "100 Days to Heaven" na may 30.9%.
Minahal na nga talaga ng sambayanan ang kuwento ni Anna, na ginagampanan ni Coney Reyes at Xyriel Manabat, lalo pa't mas napapalapit na siya sa pagkumpleto sa kanyang misyon. Sa muling pagbabalik ni Anna sa lupa, taas-noo nang makakaharap si Sophia (Jodi Sta. Maria) sa kanyang mga kaopisina upang muling bawiin ang kumpanya. At may bago na namang pusong hahaplusin at buhay na babaguhin si Anna.
Tiyak pakaabangan din ng lahat ang nalalapit na pagpasok ng beteranong aktor na si Christopher De Leon at ang kontrobersyal na young actor na si Albie Casino.
Samantala, mas panalo rin sa mga manonood ang aksyon at romansang dala ng "Minsan Lang Kita Iibigin" na magpapaalam na sa loob ng dalawang linggo. Mas pinili nga ng sambayanan ang makipagbakbakan kasama si Alexander at Javier noong Lunes (Aug 1) sa average TV rating na 24.3% kaysa makipagsayawan sa mga bida ng "Time of My Life" ng GMA na nag-rate ng 17.8%.
Wala na talagang bumibitiw sa makapigil hiningang huling dalawang linggo ng MLKI lalo pa't matapos mamaalam si Jojo (Andi Eigenmann) ay mukhang maililibing ng buhay si Alexander.
Manatiling nakatutok sa "100 Days to Heaven," weeknights pagkatapos ng "TV Patrol" at "Minsan Lang Kita Iibigin," weeknights pagkatapos ng "Guns and Roses" sa hindi matinag na ABS-CBN Primetime Bida.
Source: www.push.com.ph
|
---|
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment