Napakasuwerte talaga ni Kiray Celis. Marami ang maiingit kapag nabalitaan na ang guwapong discovery ng Pilipinas Got Talent na si Markki Stroem ang ka-date niya sa gaganaping Star Magic Ball. Inamin ng guwapong binata na hindi na kinailangang magdalawang salita pa ni Kiray sa imbitasyon nito sa kanya na eskortan siya sa nasabing formal affair na kung saan maraming Kapamilya ang dumadalo.Ang event na ito ay gumugulat sa maraming sumusubaybay sa local showbiz dahil marami na hindi nila inaasahang magiging magka-date ang dumarating. Si Jake Cuenca nga ay isang Kapuso, si Lovi Poe, ang makakasama sa gabing ito.
Proud si Markki na maging escort ni Kiray na mukhang napapanahon ngayon dahil palagi siyang nababalita at isa sa mga gumaganap ng mahalagang role sa bagets show ng ABS-CBN na Growing Up.






No comments:
Post a Comment